The Abyss of My Insanity

Tuesday, March 07, 2006

Pretense and betrayal

Minsan sa tagal mo ng kilala ang isang tao akala mo alam mo na ang lahat sa kanya. Minsan akala mo kilala mo na syang lubusan. Hindi pala sapat na batayan ang tagal ng pinagsamahan o kahit na ang mga bagay na sabay nyong pinag-daanan. Hindi pala maaaring magtiwala ng lubusan o umasang lahat ng tao ay may naitatagong kabutihan. Dahil sa sandali ng mga pag-aakala mo, may mga taong mapagsamantala, mapanlinlang.

Hindi pala sapat na gumawa ka ng kabutihan at umasang kabutihan din ang isusukli sa iyo. O magpakita ng kabutihan at umasang isasaalang-alang muna ito ng tao bago gumawa ng kasamaan sa iyo. Ung kahit sa sandaling isipin nyang sirain ang iyong tiwala ay may konsensya man lng na bumagabag sa kanya. Sabagay, di nga naman dapat umasa ng kapalit.

Maybe I'm a poor judge of character. Or maybe I just trust too much. In silence lurks deceit. In a pretty face and timid ways lie unforgivable acts.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home